
Hahayaan kita mapunta sa iba dahil gusto mo. Hahayaan kita ipagpalit mo ko dahil gusto mo. Hahayaan kita na magmahal ng iba. Wag ko lang malalaman na nasaktan ka dahil hinayaan kita.
(Source: nherikabog)
Araw araw madami tayong makikilalang kaibigan pero hindi lahat sila karapat dapat na tawaging TOTOONG kaibigan :)
Dear Nanay
1982 nang maipanganak mo si kuya 1984 naman ng sumunod si diko, plano nyo ni tatay na tatlo lang ang anak nyo dahil sa hirap ng buhay nyo noon.Nagbuntis ka ulit nung 1986 hiniling mo na sana babae na,pero lalaki pa din si sangko. Sinubukan mong magpaligate na, pero hindi pumayag ang doctor sa di ko maalalang dahilan. Sinubukan nyo ulit magbuntis nung 1988 at gnon pa din lalaki pa din. Nawalan na kayo ng pag asa na magkakaanak kayo ng babae pero sumubok ulit kayo nung 1990 naipanganak nyo ko ng 1991 at sawakas babae na! Hindi pa nga kayo makapaniwala na babae na ko.
Ala una ng madaling araw nung mailuwal moko iyak ako ng iyak at kinabukasan pa ng alas tres ng hapon ako tumigil. Natakot ka kasi akala mo mamatay na ko kakaiyak pero eto ako malaki na pero hindi ako matangkad.
Naging lima tuloy kami dahil sa kakahintay mo na magkaron ng anak na babae. Nung pinanganak mo ko tumigil kana sa pagttrabaho at pinili mong alagaan nalang ako. Sabi nga nila kuya ang swerte ko daw kasi ako naalagaan mo,sila hindi masyado at gumanda na din ng konti ang buhay natin kaya hindi ako nakaranas ng hirap tulad nila.
Nay, salamat sa pag aalaga sakin.Kapag may pasok ako pag kagising ko nakahanda na ang breakfast, uupo nalang ako kulang nalang eh subuan mo ko, iniluluto mo ang mga paborito kong ulam para lang makakain ako ng breakfast. Sinisiguro mo pa na kumakain talaga ako at nakabantay kapa sakin.
Nakahanda na din ang mga susuotin ko at ang mga gamit ko..Kulang nalang eh paliguan at sipilyuhan moko.Sabi mo ginagawa kitang yaya pero ayaw mo naman itigil yung ginagawa mo at hanggang ngayon ganon ka pa din sakin. Hindi mo hinahayaan na umaalis ako na gulo gulo ang laman ng bag ko bago ako umalis. Nilalagyan mo pa ng towel kasi nga pawisin ako. Pati ang payong pero inaalis ko mabigat kasi.Kelan ko lang nalaman na nilalagay mo ang rosaryo mo sa bag ko tuwing umaalis ako.
Minsan naiinis ako kasi lagi moko inoorasan tuwing gagala ako dapat 8pm nasa bahay na ko. Hindi na naman ako bata. Ayaw mo din ako payagan mag sleepover sa mga kaibigan ko, nay 20 na ko! Salamat sa paglilinis ng kwarto ko tamad kasi ako.
Walang araw na hindi moko sinesermonan. Naging hobby mo na ata ang pagalitan ako. Naiintindihan ko naman kasi nga matigas ang ulo ko at ang tamad ko. Ikaw naman kasi sunod sunod kung mag utos. Ayaw mo din na magpupuyat ako, ayaw mo din na tatanghaliin ako gumising, kasi yun ang bilin ni itay. Gusto nya turuan mo ko ng mga gawaing bahay, ayaw nya lumaki ako ng walang alam. Marunong naman ako magluto tinatamad lang talaga ako at may fastfood resto naman. Marunong din ako maglinis ng bahay, pero lagi mo sinasabi palpak naman. Pati ang pagwawalis ko, pinipintasan mo. Hinahampas mo ang paa ko kapag hindi ko suot ang tsinelas na pambahay ayaw mo kc na madumi ang talampakan ko. Gustong gusto mo na sinusuklayan ako pero lagi mo naman pinapansin ang splitends ko. Ano ba?! :))
Nabbwisit ka kapag kwento ako ng kwento halos lahat na yata na nkawento ko sayo. Sabi mo hindi mo alam kung saan ako nagmana ng kadaldalan ko. Kanino pa nga ba? Eh di sayo. Natutuwa ako na ipinagmamalaki moko sa mga kachismisan mo para bang ang galing galing ko hahaha.Alam ko gusto mong maranasan na mabigyan ng sweldo ng anak, hindi mo kasi yun naranasan sa mga kapatid ko. Ngayon may work na ko mangyayari na yun,maghintay ka lang. Sabi mo ng kahit 500 lang per month, haha gagawin ko pang 1000 =))
Ayokong sinasabi mo na nakakaawa ako kapag nawala ka. Hindi ka naman mawawala eh.Nung nagkasakit ka sabi mo ang kinakatakot mo eh kung paano na ko kung matuluyan ka, ako pa rin talaga ang iniisip mo.
isa to sa di ko makakalimutan.
Kakatapos lang ng chemo at radiotheraphy mo kaya mahina ka pa at hindi ka makapagsalita. Exam ko non kaya iniwan muna kita, pinilit kong makauwi agad. Pagdating ko sa bahay alam kong gutom ka kaya nagluto ako kahit di ako marunong. Sinigang yung niluto ko, hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero natapos ko. Sabaw lang kasi ang kaya mong kainin.Nakakaiyak non kasi hindi ko alam ang gagawin ko, alam ko hindi masarap ang luto ko pero nakakain ka. Nakakatuwa, tinanong kita kung masarap tumango ka lang. Alam kong wala kang panlasa.
Nay maraming salamat po. Ikaw ang the best! Happy mother’s day :)
Magpapakabait na ko
Ang iyong pinakamagandang anak,
Rissa
ITO YUNG LETTER KO FOR HER LAST YEAR :)
Masaya ako na ang isang tulad mo dumating sa buhay ko. Higit pa sa gusto ko, higit pa sa inaasahan ko, higit pa sa kelangan ko. Pero sana kung anong meron ako ay sapat na para manatili ka sa buhay ko.
(Source: nherikabog)

(Source: nherikabog)
People talk as if they knew everything, but if you dare to ask a question, they dont know anything.

(Source: nherikabog)

I laugh again
(Source: nherikabog)
You can change your future by bringing the past into the present. Past and future only exist in our memory. The present moment, though, is outside of time, its Eternity. In India, they use the word ‘karma’for lack of any better term. But its a concept that’s rarely given a proper explanation. It isnt what you did in the past that will affect the present. Its what you do in the present that will redeem the past and thereby change the future.





